May payo ang real-life couple at magkatambal sa pelikulang 'Dulo' ng Viva Films na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa mga kagaya nilang young couple.

Natanong kasi ang mag-jowa sa naganap na online press conference ng dalawa para sa kanilang pelikula. Pero bago pa magsimula ang tanungan portion, magalang na nagpasintabi na si Diego at nakiusap sa press people na huwag na sanang ungkatin pa ang mga isyu na wala namang kinalaman sa pelikula, kagaya na lamang sa isyu ni Xian Gaza sa kaniya na nililigawan niya si AJ Raval.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/05/diego-loyzaga-may-mahigpit-ngunit-magalang-na-pakiusap-sa-showbiz-writers/">https://balita.net.ph/2021/12/05/diego-loyzaga-may-mahigpit-ngunit-magalang-na-pakiusap-sa-showbiz-writers/

Ano raw ang maipapayo nila sa young couple para tumagal at maging 'forever' na ang pagsasama?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Don't lie. Don't cheat. Maging honest ka lang kahit alam mo na masasaktan yung tao," pahayag ni Barbie.

“Mas okay 'yun kaysa itago mo tapos pagmukhain mong tanga yung partner mo. Minsan, sinasabi natin na nakikinig naman tayo pero hindi naman talaga pumapasok sa utak."

“Parang okay, nakikinig ka lang pero wala naman pag-iintindi, so importante na kapag nakikinig ka, iniintindi mo rin."

Saad naman ni Diego, “For guys, understanding talaga. Let’s be honest, understanding. You gotta put your girl first. That’s the truth. Totoo iyan.”

Sa Disyembre 11, ipagdiriwang nina Diego at Barbie ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan, na hindi pa man nagtatagal ay inulan na ng mga intriga, subalit mukhang 'going stronger' naman sila batay sa mga ipino-post nila sa social media.