Napaiyak na lamang si Miss World 2013 at Kapuso actress Megan Young nang maisip niya na hindi niya kakayanin kung magkakawalay sila ng kaniyang mister na si Mikael Daez.

Sa morning talk show ng GMA Network na 'Mars Pa More with Pars Kuya Kim Atienza', ibinahagi ang video ni Megan kung saan makikitang emosyunal siya habang pinag-uusapan nila ni Mikael ang mga paksa na maaari nilang gawin sa kanilang podcast.

Nagbe-brainstorm sila nang imungkahi ni Mikael kung paano kaya kung ang maging paksa ay tungkol sa paghihiwalay nila, kung sakali.

Sey ni Mikael, naisip niya ang nasabing paksa dahil kailangan umanong 'juicy' ang kanilang pinag-uusapan. Maganda rin naman umano kung pasabog ang kontrobersyal ang kanilang paksa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Tapos naisip ko paano nga kung maghiwalay kami, nakakaiyak. So nadala na ako sa emosyon," sey naman ni Megan.

Hindi raw kakayanin ni Megan kung sakaling iiwanan siya ni Mikael o mawawala ito sa tabi niya.

Hindi na raw sila natapos sa brainstorming dahil sa pag-iyak ni Megan.

Matatandaang isang taon pa lamang na mag-asawa ang celebrity couple. Nauuso ang hiwalayan ng mga beauty queen sa kanilang mga karelasyon, pero hindi nangyari ito kina Megan at Mikael. Enero 2020 nang lumagay sila sa tahimik matapos ang pagiging magkasintahan nang ilang taon.