Binisita ni senatorial aspirant at human rights lawyer Jose Manuel ‘Chel’ Diokno ang Aeta community sa Pampanga nitong Martes, Disyembre 7, at ipinahayag ang kaniyang layunin na mapaganda pa ang pamumuhay ng mga ito, kung sakaling papalarin siyang makapasok sa Magic 12 ng pagka-senador, sa halalan 2022.

Ayon sa dating dekano ng College of Law sa De La Salle University sa Manila, nagsadya siya sa Villamaria, Porac, Pampanga upang maglaan ng oras na makapiling ang komunidad ng mga Aeta, at makipagdayalogo sa kanila.

“Sa aking ilang dekadang paglilingkod bilang abogado ng mga dehado, ramdam ko ang kanilang mga hinaing,” pahayag ni Diokno sa kaniyang Facebook post.

Ilan umano sa mga bagay na kailangang pagtuunan ng pansin ay sistema ng patubig at mas maayos na mga daan sa pagdadala ng mga pananim mula sa bukirin patungong pamilihan.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

“Dala ko sa aking puso ang pag-asa para sa mas makatarungang pamumuhay para sa bawat isa," dagdag pa ni Diokno kalakip ang selfies niya kasama ang ilang kabataang Aeta, at ilang mga kuhang larawan ng kanilang konsultasyon.

May be an image of 9 people and people standing
Larawan mula sa FB/Chel Diokno

May be an image of 9 people, people sitting, people standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Chel Diokno

May be an image of 8 people, child, people standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Chel Diokno

May be an image of 7 people, people sitting, people standing and tree
Larawan mula sa FB/Chel Diokno

May be an image of 4 people, people sitting, people standing, outdoors and tree
Larawan mula sa FB/Chel Diokno

May be an image of 9 people, child, people standing, people sitting and outdoors
Larawan mula sa FB/Chel Diokno

May be an image of 10 people, people standing, outdoors and tree
Larawan mula sa FB/Chel Diokno

Ang abogado parasa karapatang pantao ay kasapi ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino, subalit tumatakbo sa ilalim ng tiket nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

Siya ang founder ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagbibigay ng libreng legal help sa mga nangangailangan.

Unang tumakbo si Diokno noong 2019 sa pagkasenador sa ilalim ng Otso Diretso ng Liberal Party (LP), subalit hindi siya nakapasok sa Magic 12, dahil nasa 21st spot lamang siya.

Sa kabataan, kilala at tinatawag siyang 'Woke Lolo'.

Raymund Antonio