Inamin ng isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na si Brenda Mage na isinakripisyo niya ang isang role, at mas piniling makapasok sa Bahay ni Kuya.

Sa isang episode ng PBB, nagkaroon ng game ang mga housemate kung saan tinanong sila kung real o fake ang balitang ipakikita sa kanila.

Isa sa mga ito ay ang official announcement kay Janella Salvador bilang 'Valentina' na makakalaban ni Darna (Jane De Leon) para sa 'Mars Ravelo’s Darna: The TV Series'.

Para kay Brenda, fake news ito.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Hindi!” aniya. "Part sana ako ng ‘Darna’ at imposibleng si Janella ang papasok.”

Ngunit mali ang hula ni Brenda dahil totoo naman na si Janella ang ini-anunsyong bagong 'millennial Valentina' noong Nobyembre 19.

Sa confession room, inamin ni Brenda na kasama sana siya sa cast ng Darna ngunit mas pinili niya ang PBB. Inamin naman niya noon pa na matagal na siyang nag-aaudition dito at hindi matanggap-tanggap.

“Kasama po sana ako sa ‘Darna’ pero hindi ko po naituloy dahil mas pinili ko pong makilala kayo dito sa ‘Pinoy Big Brother,’” he said.

Biro ni Brenda: “Ako po sana si Valentina, pero tinanggihan ko. Charot lang!”