Mukhang hindi nagpaapekto ang kontrobersyal na Kapamilya actress na si Heaven Peralejo sa mga intrigang ipinukol sa kaniya sa mga nagdaang araw.

Iniintriga kasi ng mga Marites kung ano ang ugnayan at real score sa kanilang dalawa ng social media personality na si Kimpoy Feliciano, lalo't nagpapalitan sila ng sweet messages sa isa't isa

Isa pa diyan, sinita rin ng mga netizen ang pagkakamaling nagawa niya sa paggamit ng mga terminong pang-agham sa birthday message niya sa sarili niya; sa halip na revolution ay rotation ang nagamit niya.

Agad naman niyang nilinaw ang mga bagay-bagay na ito sa panayam sa kaniya ni Darla Sauler noong Nobyembre 28. Aniya, magkaibigan lang talaga sila ni Kimpoy kaya huwag sanang bahiran ng malisya ang pagtawag niya rito ng 'beh'.

Kung makakabalik sa nakaraan: Priscilla, 'di muna papakasal nang maaga

Pinasalamatan din niya ang mga netizen sa 'science lessons' na natanggap niya. Inedit naman niya kaagad ang kaniyang kontrobersyal birthday message para sa sarili niya.

At nito ngang Disyembre 6 mukhang handang-handa na siyang mas makilala pa ang kaniyang sarili batay sa panibago niyang Instagram post.

"Dear self, I’m looking forward to learning more of you," caption ni Heaven sa kaniyang IG post.

Heaven Peralejo/Screengrab mula sa IG/heaven Peralejo

Heaven Peralejo/Screengrab mula sa IG/heaven Peralejo

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"See you again Ms. Heaven. Don't mind the bashers."

"HATERS WILL ALWAYS BE HATERS, BASHERS WILL ALWAYS BE BASHERS. AT PAG INGGIT KA PIKIT KA NA LANG. Huwag mo na lang intindihin ang haters and bashers, Heaven."

"Learn to explain the true definition of rotation around the sun."

"Learn basic science again pls."