Usap-usapan ngayon ang makahulugang tweet ng girlfriend ni ex-Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 TJ Valderrama na si Cherry Malaya, nitong Disyembre 4, isang araw bago ang 5th Eviction Night.

Naging vocal kasi si Cherry sa kaniyang tweets sa mga nagdaang buwan na nasasaktan siya sa mga isyung ipinupukol ng mga netizen sa jowa, na masyado itong 'touchy' sa isa sa mga housemate na si Shanaia Gomez. Gustong-gusto na rin niyang mapalabas ng Bahay ni Kuya ang boyfriend upang makausap ito nang personal.

At mukhang may pahiwatig si Cherry sa posible niyang gawin kay TJ, kung sakali mang ito na nga ang magiging latest evictee sa PBB House.

"See you on Sunday for your second eviction," aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Sa isa pang tweet nitong Disyembre 6 naman, "Sasakay ka ba sa bangkang may butas? Sana respetuhin n 'yo ang desisyon ko kasi buhay ko naman 'to. I will always choose the right things for myself whichever that may be."

Screengrab mula sa Twitter/Cherry Malaya

Ibinahagi rin niya sa isa pang tweet ang isang Instagram post niya na naglalaman ng quote card, na ang nakasaad ay "The best thing about the worst time of your life is that you get to see the true color of everyone."

Saad naman niya sa caption ng kaniyang Instagram post: "Love will come and go. But love will always stay when you take good care of it."

"When you grow up with a protective father, who sets the standards on how you should be treated, and he shows you how love is supposed to look like, how love is supposed to feel like, you follow his footsteps and you never settle. I have no regrets. I will always love myself fiercely, before any man, because that's what my father taught me," aniya na may hashtag #finishSTRONG.

Screengrab mula sa IG/Cherry Malaya

Kaya tanong ng marami, mauuwi na ba sa hiwalayan ang kanilang relasyon? Hindi na ba ito maaayos?

Wala pang kumpirmasyon mula kay Cherry o maging kay TJ.

Hinihintay na lamang ng mga netizen ang depensa naman ni TJ sa kaniyang sarili, ngayong nasa outside world na siya at tiyak na nabasa na ang mga nasulat na balita at tweets ng mga netizen tungkol sa kaniya.