Sisibakin sa puwesto ang sinumang pulis na tumatangging magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos at ito aniya ay nakapaloob sa “No jab, no work” policy ng kanilang hanay.

Gayunman, igagalang aniya nila ang karapatan ng kanilang mga tauhan na ayaw magpabakuna.

Ayon sa opisyal, on-duty status pa rin ang mga tauhan nilang hindi bakunado, gayunman, hindi sila itatalaga sa mga presinto.Para na rin aniya sa kanilang kaligtasan, ang mga tatanggi sa bakuna ay bibigyan na lang ng “low risk” na trabaho tulad ng administrative work.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Sa ulat ng PNP Health Service, halos lahat ng pulis ay bakunado na, maliban na lang sa 1,808 na tauhan na may balidong rason.

Beth Camia