Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ng aktor na si Rob Moya, na dating karelasyon ng social media personality na si Toni Fowler.

Nitong Disyembre 5 kasi ay pinost niya ang larawan nila ni Toni na magkasama with matching bouquet of flowers pa. May simpleng caption ito na 'Ikaw pa rin' at naka-tag kay Toni.

May be an image of 2 people, prairie gentian and indoor
Toni Fowler at Rob Moya (Larawan mula sa FB/Rob Moya)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Facebook post naman ni Toni, bagama't wala siyang pinangalan kung sino ito, naka-post ang "Thank you BABY HAPI for making me HAPPY."

Screengrab mula sa FB/Toni Fowler

Tanong ng marami, nagkabalikan ba sila? Anyare?

Matatandaang matapos nilang maghiwalay dahil sa isyu ng umano'y pagtangay ni Rob sa pera niya na nakalaan sana para sa anak niyang babae na si Tyronia, na humantong pa sa paglapit niya kay Raffy Tulfo, noong Mayo 2021. Nariyan din ang cheating issues.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/09/toni-fowler-nagpasikeps/

₱3M umano ang pera sa bank account ni Tyronia na ipinagkatiwala ni Toni kay Rob, pero natuklasan na lamang niya na bawas na ito, at ₱200,000 na lamang ang natitirang pera na para sana sa kinabukasan ng bagets.

Bukod sa pera, may mga sasakyan pa umanong kinuha ang ex-jowang ito ni Toni na ipinaubaya na lamang niya rito. At ito ang pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan. Ngunit sa huli, mas pinili ni Toni na magpaka-ina na lang kay Tyronia at mag-move forward na lamang sa buhay kasama ang junakis at mga kaibigan. Nagkaroon din ng bagong boyfriend si Toni na si Papa Vince at tinawag pa ang love team nila na ONIVINCE.

Makalipas ang dalawang buwan ay nagulat ang mga tagahanga nila dahil muli na naman silang nagkasama sa isang vlog at mukhang nagkakaayos na sila. May pamagat itong 'Muling Pagkikita'. Ngunit hindi naman tiyak kung nagkabalikan ba sila bilang couple.

Sa mga sumunod na buwan, bandang Setyembre, nagulat ulit ang mga tagahanga nila dahil naglabas ng vlog si Rob kung saan tinulungan siya ng ex na si Toni sa pag-aasikaso sa gagawin niyang proposal sa nililigawan niya, na kung puwede ba itong maging girlfriend.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/26/toni-fowler-matapos-ma-scam-ng-ex-bf-tumulong-mag-propose-sa-bago-nitong-nililigawan/

Sa unit pa mismo ni Toni naganap ang 'Will You Be My Girlfriend' proposal, na para bang talagang pinauubaya na ni Toni si Rob sa ibang babae. Hindi naman malinaw kung ang babaeng ito ay ang isa sa mga naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Bagama't emosyunal, ipinaliwanag ni Toni na masaya siya para sa panibagong milestone sa buhay ng kaniyang 'bessy' na si Rob, at masaya siyang makitang masaya ang kaniyang mahal.

"Syempre kapag mahal mo yung isang tao… (naiiyak ako), pag mahal mo yung tao, syempre masaya ako para sa kaniya kasi magmamahal na siya ulit, masaya na siya ulit, naka-smile na siya ulit, inspired na siya ulit… marami naman siyang tamang ginawa para sa akin eh, at masaya na ako kasi hindi rin ako totally maka-move forward sa buhay kasi, kapag alam mong hindi okay yung ex mo, eh may pinagsamahan kayo, na marami kayong shinare sa buhay n'yo, kaya this time masaya na ako dahil magiging okay na siya…" paliwanag ni Toni.

Sa dulo ng vlog, makikitang tinanggap naman ng babae ang proposal ni Rob na maging jowa nito. Nagpaalam din si Rob sa naging anak-anakan niyang si Tyronia, na anak ni Toni.

Sa vlog naman ni Toni nitong Oktubre, makikitang isinama niya sa vlog si Rob kasama pa ang isang ex para sa 'Who Knows Me Better' challenge extreme edition.

Screengrab mula sa YT/Toni Fowler

Kung titingnan naman ang mga tweets ni Rob, mukhang may pinagdaraanan nga siya hinggil sa usaping puso.

"Love of my life.. Don't leave me," tweet niya nitong Disyembre 3.

Screengrab mula sa Twitter/Rob Moya

Samantala, wala pang malinaw na kumpirmasyon sina Toni Fowler o si Rob Moya hinggil dito.