Inaanyayahan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang publiko na bisitahin ang bagong bukas na ‘Paskuhan sa Maynila’ na matatagpuan sa Mehan Garden malapit sa Manila City Hall.

Nabatid na ang ‘Paskuhan sa Maynila’ ay isang buong buwan ng Christmas activityna binuksan nina Moreno at Lacuna matapos ang“Manila EntrePinoy StrEAT Food Festival” na nagtapos noong November 30.

Ayon kay Moreno, ang ‘Paskuhan’ event na nagsimula noong Disyembre 1, ay may kakaibang handog sa mga taong bibisita dito.

Ilan sa mga ito ay ang mga magagandang ilaw at sounds shows at bazaar na kung saan may maraming bilang ng mga exhibitors na nagtitinda ng iba't-ibang gift items at mga pagkain.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Pinuri at binati naman ng alkalde sina Bureau of Permits chief Levi Facundo, Public Employment Service Office (PESO) chief Fernan Bermejo at Tourism Department chief Charlie Dungo dahil sa nasabing proyekto kasabay rin ng pag-anunsyo niya na ang nasabingfood festival ay kumita ng mahigit P2.7 milyon para sa mgasmall entrepreneurs na nakilahok at maging sa kanilang mga staff.

Lumikha rin aniya ng 200 trabaho ang nasabing food festival mula Nobyembre 12 hanggang 30, 2021.

Sinabi ni Moreno na batay sa ulat niFacundo, ang food festival ay naging instant hit sa mga grupo at pamilya na nagtutungo saMehan bawat araw upang kumain ng mga panindang pagkainat ito ay laging sold out.

Ayon kay Facundo, ang Paskuhan ay bukas mula alas-4:00 ng hapon hanggang ala-11:00 ng gabi at magtatagal ito hanggang Enero 1, 2022.

Sarado naman ito sa Disyembre24 at Disyembre 31.

Tiniyak rin niya na ang lahat ng kalahok sa 'Paskuhan sa Maynila' ay fully-vaccinated.

Nagtala rin umano sila ng sapat na bilang ng mga pulis sa lugar para sa kaligtasan at seguridad ng mga taong magtutungo.

Mayroon rin namang mga COVID marshalls na mag-iikot upang magpaalala sa mga bisita ngprotocols.

Inaanyayahan ni Moreno ang publiko na mag- enjoy sa mga special treats tulad ng daily performers, 15-minute light shows na apat na beses kada gabi,arcade,TikTok booth at magkakaroon din nggames tulad ng shooting galleries at dart balloons.

Idinagdag pa ni Moreno na ang“LOVE” structure ay may makukulay na fountain at mayroon ding70 retail stores na nagtitinda ng shirts, dresses, toys, accessories, perfumery, souvenirs at powerhouse tools, bukod pa sa iba't-ibang uri ng mganative delicacies, Eng Bee Tin hopia varieties, grilling at shawarma station. Mayroon ding Thai, Korean, Japanese, Vietnamese at Filipino dishes.

Mary Ann Santiago