Sumabak na si Justin Brownlee sa ensayo ng Barangay Ginebra San Miguel sa hangaring maidepensa ang tangan nilang PBA Governors' Cup title.

Sa isang video na ipinostni Gin Kings veteran Joe Devance sa kanyang Instagram account, makikita si Brownlee na dumating sa training facility ng koponan sa Upper Deck Sports Center sa Ortigas at nakasuot ng pang-ensayo.

Inaasahang mabibigyan ni Brownlee ng sapat na panahon ang muling pagkita-kita ng mga miyembro ng koponan sa pag-asang makuha muli ang tagumpay, katulad ng ipinamalas ng mga ito sa Governors' Cup noong 2019.

Si Brownlee ang huling import ng PBA na dumating sa bansa kamakailan matapos ang dalawang taon nang hablutin ng kanyang koponan ng Gin Kings ang kampeonato sa Governors' Cup noong 2019.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakdang labanan ng Gin Kings ang Alaska sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa pagsisimula ng kampanya ng koponan sa Disyembre 12.

Jonas Terrado