Halos 180,000 na menor de edad ang nabakunahan na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.
Ito ang inanunsyo ng pamahalaang lungsod nitong Sabado, Disyembre 4 at sinabing ang mga naturukan ay mula 12-17 taong gulang.
Paliwanag ng city government, layunin nito na malabanan ang banta ng virus at ang inaasahang pagpasok sa bansa ng Omicron variant na humawa sa iba't ibang bansa.
Pinaalalahan din ang mga mga adult residents na magpa-book online para sa kanilang schedule sa pamamagitan QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) o irehistro ang kanilang pangalan sa kani-kanilang barangay health centers.
Sa datos ng lungsod nitong Sabado, aabot na 179,875 ang kabuuang nahawaan ng sakit mula nang magsimula ang pandemya sa bansa.
Cherrylin Caacbay
ReplyForward