July 26, 2026

Home BALITA National

Mayor Leni sa SONA ni PBBM: Maraming hindi nakakaalam sa maraming ginagawa ng pamahalaan!

Mayor Leni sa SONA ni PBBM: Maraming hindi nakakaalam sa maraming ginagawa ng pamahalaan!
Photo courtesy: Screenshot from Bong Villacruz (FB) via ABS-CBN News/MB File Photo

Isa sa mga nag-aabang sa mga sasabihin sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa Lunes, Hulyo 27, si Naga City Mayor Leni Robredo.

Sa ibinahagi ng isang Naga City-based journalist na si Bong Villacruz, sa video ng panayam kay Robredo na iniulat naman ng ABS-CBN News, inilahad niya kung ano-ano nga ba ang mga hinihintay niya at ng lahat sa iuulat ng Pangulo sa SONA.

Ang unang bahagi raw ng SONA ay ulat sa nagawa ng gobyerno sa nakalipas na tao. Ang susunod naman daw ay kung ano ang plano sa mga susunod pang taon, lalo't may nalalabi pang dalawang taon sa kaniyang administrasyon.

Sa puntong ito, sinabi ni Robredo na mahalagang maipabatid ni PBBM ang report kung ano ang mga nagawa ng pamahalaan sa nakalipas na taon.

"Kasi I think, marami rin yung hindi nakakaalam, yung maraming ginagawa ng pamahalaan," saad ng dating Pangalawang Pangulo.

National

Sen Alan, tinalakang 'ang ingay, dakdak nang dakdak' sa FB live niya

Ibinida ni Robredo ang nagawa ng pamahalaan sa Naga City na naging "recipient" ng napakaraming programa ng gobyerno, kagaya ng housing program, dahil na rin sa DHSUD o Department of Human Settlements and Urban Development.

"Malaki ang housing problem ng Naga kasi siyempre yung rapid urbanization dito, housing yung naiiwan, pero medyo nakakahabol tayo ngayon, dahil sa tulong ng DHSUD

Isa pa sa binanggit ni Robredo ang flood control kung saan ginawa raw pilot ang Naga City ng Department of Public Works and Highways (DPWH), para sa kanilang "Oplan Kontra-Baha" na marami raw ang naitulong sa lokal na pamahalaan, kagaya na lamang ng mga equipment at iba pang kinakailangang civil works, dahil sa mas pinalaking "LGSF" o local government support fund.

"Pero this year, yung mabuting ginawa ng pamahalaan, lahat meron, at transparent yung formulang ginamit," aniya pa.

"Halimbawa yung Naga, nakakuha kami ng ₱32 million na rice assistance, from LGSF, mabibigyan namin ng bigas yung lahat ng mahihirap dito. Pero lang kami yung nakakuha no'n, lahat ng LGUs meron," paliwanag pa niya.

"Iba-iba yung amount, kasi siyempre, depende sa population, depende sa laki ng lugar, pero klaro kasi, parang alam mo kung bakit eh," aniya pa.