July 27, 2026

Home BALITA

3 patay, 1 nawawala bunsod ni 'Kiyapo’

3 patay, 1 nawawala bunsod ni 'Kiyapo’
Photo courtesy: PAGASA via MB


Tatlo ang naitalang patay, habang isa naman ang nawawala matapos ang pananalasa ng bagyong Kiyapo, as of 8:00 ng umaga nitong Linggo, Hulyo 26.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, isa sa mga nasawi ay nagmula sa Davao, habang ang dalawa naman ay sa Sarangani—na nakasailalim pa rin sa beripikasyon.

Anang ulat, ang isang nawawala ay nagmula rin sa Sarangani.

Inilahad din ng latest government data na aabot sa 59,987 pamilya o 285,172 indibidwal ang apektado ng bagyo.

Nawasak din ng bagyo ang aabot sa 261 na bahay—170 ay partially damaged, habang 91 naman ay totally damaged.

National

Rep. Tiangco, umaasang bibirahin ni PBBM pinsang si Rep. Romualdez

Samantala, aabot sa higit ₱5.5 milyong assistance na ang naipamahagi para sa mga apektadong pamilya at komunidad ng bagyo.

Anang PAGASA, nag-landfall na ang bagyo sa Southern China, matapos ang paglabas nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).