Para sa showbiz columnist na si Ogie Diaz, hindi umano 'nakakataas ng level' (at hindi rin naman daw nakakapagpababa) ang iringan sa pagitan nina Barbie Imperial at AJ Raval, para kay Diego Loyzaga.

Sa latest showbiz vlog ni Ogie na 'Showbiz Update' kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, naungkat kasi ang mga parinig umano sa social media ng madir ni AJ at misis ni Jeric Raval na si Alyssa Alvarez hinggil sa 'asong kumakahol' sa kasagsagan ng pag-call out ni Barbie kay AJ na magsalita na hinggil sa ibinabatong alegasyon ni Xian Gaza, na nililigawan umano ni Diego Loyzaga si AJ kahit sila pa ni Barbie.

Naiintindihan naman daw umano ni Ogie kung bakit nakikisali ang madir ni AJ dahil sino nga naman ba raw ang magtatanggol sa anak kundi ang magulang?

"Pero 'di ba kailangan din nilang ipagtanggol ang mga sarili nila?" tanong ni Mama Loi.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Iyon na nga… hindi na natin mai-aalis iyon… kaya nga lang nga, hindi nga nakakapagpataas ng level," pahayag ni Ogie.

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag si AJ hinggil sa mga nasabi sa kaniya ni Barbie.