Lalo pang bumaba ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) matapos maitala ang 517 na kaso ng sakit nitong Sabado, Disyembre 4.

Ipinaliwanag ng DOH na simula Nobyembre 24, sunud-sunod nang naitatala ang below-1,000 cases ng sakit.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 2,834,294 ang kabuuag kaso ng sakit sa bansa mula nang magsimula ang pandemya sa Pilipinas.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Analou de Vera