Maaari nang magdaos ng Christmas party o pagtitipon ngayong holiday season sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Laging Handa public briefing nitong Biyernes, Disyembre 3, sinabi ng tagapagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya, pinapayagan na ang mga pagtitipon, gaya ng mga party basta sumunod lamang sa alert level 2 regulations.

Nilinaw ni Malaya, sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan ang 50 percent venue capacity para sa mga pagtitipon.

Kung gagawin ang pagtitipon sa mga establisimyento, maaari silang dagdagan pa ng 10 percent capacity kung may safety seal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaakibat aniya ng kondisyon na ito ang pagsunod pa rin sa minimum public health standards, katulad ng pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing.

Beth Camia