Mukhang dedma pa rin ang aktor na si Diego Loyzaga sa panawagan at hamon ng 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza na siya ang magsalita sa publiko kung totoo ba o hindi ang alegasyon nito sa kaniya, na niligawan niya umano si AJ Raval habang sila pa ni Barbie Imperial.

Matatandaang binasag na ni Barbie ang kaniyang katahimikan sa tell-all interview niya kay King of Talk Boy Abunda na 'The Best Talk' na hatid ng Cinema One, na umere naman nang buo nitong Nobyembre 30.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/barbie-kay-aj-raval-kung-hindi-ka-kabit-magsalita-ka/

Sa naturang panayam, hinamon ni Barbie si AJ Raval na kung hindi talaga siya 'kabit' ay magsalita na siya at linisin niya ang kaniyang pangalan sa publiko.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kinabukasan, isang makahulugang meme ang ibinahagi ni AJ sa kaniyang Facebook account.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/29/latest-cryptic-fb-post-ni-aj-raval-pasaring-nga-ba-kay-barbie-imperial/

Si Xian Gaza naman, ipinagtanggol si AJ Raval at sinabihan si Barbie na isa itong 'fake news'. Dapat daw si Diego ang pinagsasalita niya sa publiko dahil ito naman daw ang duma-da moves.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/29/xian-gaza-bumwelta-kay-barbie-bakit-hindi-si-diego-ang-magsalita/

Sa latest Facebook post ni Diego, tila wala man lamang itong parinig o patutsada; busy siya sa pagpo-promote ng kanilang pelikula ni Barbie na may pamagat na 'Dulo' na hatid naman ng Vivamax.

"Are you ready to meet Bianca and Dex? 9 days nalang!! DULO @vivamaxph," ayon sa kaniyang caption.

May be an image of 1 person and standing
Barbie Imperial at Diego Loyzaga (Larawan mula sa FB/Diego Loyzaga)

May be an image of 1 person and standing
Barbie Imperial at Diego Loyzaga (Larawan mula sa FB/Diego Loyzaga)

May be an image of 2 people and people standing
Barbie Imperial at Diego Loyzaga (Larawan mula sa FB/Diego Loyzaga)

May be an image of person, child and indoor
Barbie Imperial at Diego Loyzaga (Larawan mula sa FB/Diego Loyzaga)

Samantala, usap-usapan din ang panunupalpal ni Cristy Fermin kay Barbie na wala umano itong karapatang tawaging 'mistress' o kabit ang sinuman, lalo na kung hindi pa naman sila kasal ni Diego.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/01/cristy-sinupalpal-si-barbie-hindi-pa-kayo-mag-asawa-wala-kang-karapatang-tawaging-mistress-ang-sinuman/