Nangako ang Commission on Human Rights (CHR) na poprotektahan nito ang karapatan ng mga nahahawaan ng human immunodeficiency virus (HIV) at acquired immunodefiency syndrome (AIDS) sa bansa.

Sa kanyang pahayag, tiniyak din ni Commissioner Gwen Pimentel Gana na ipagpapatuloy pa rin nila ang pakikipagkasundo  sa iba't ibang organisasyon na may kaparehong layuning mawakasan ang diskriminasyon o kahihiyan ng pasyente dulot ng sakit at hindi rin malabag ang karapatang-pantao ng mga ito.

Ang pahayag ng CHR ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng World AIDS Day nitong Disyembre 1 na naglalayong maiangat ang kamalayan sa nasabing sakit at maikalat ang "scientific -based knowledge and information" kaugnay ng epidemya.

Magbabantay din aniya ang komisyon upang matiyak na maipatupad nang maayos ang Philippine HIV/AIDS Policy Act of 2018.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Sa kasalukuyan, aabot na sa 85,651 kaso ng HIV/AIDS sa bansa, ayon pa sa CHR.

Jel Santos