Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging larawan ni Doc Hayden Kho sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 1, kung saan kasama nila sa family picture ang celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Background nila ang isang malaking Christmas tree.

May caption itong "I hear bells. Christmas bells."

Screengrab mula sa IG/Hayden Kho

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Tanong ng mga netizen na 'Marites,' baka ibang bells ang ipinahihiwatig ni Hayden? Baka raw ito ay 'wedding bells' at ang tinutukoy ay baka nagpaplano nang magpakasal sina Julia at Gerald. At ang kinukuhang ninong at ninang ay ang mag-asawang celebrity doctors.

Narito ang reaksyon at komento ng mga netizen:

"OMG, bukod sa ibang Christmas bells, wedding bells na ba kina Julia and Gerald?"

"Doc Hayden sana po wedding bells na naririnig n 'yo para sa JURALD namin."

"Wedding bells rinig ko eh... hehe..."

"Wedding bells are coming too!"

Samantala, as of this writing ay wala pang reaksyon o komento rito sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Wala ring pahayag o kumpirmasyon hinggil sa espekulasyon ng mga netizen sina Hayden o maging ang misis na si Dra. Vicki Belo.