Optimistiko ang pamahalaan na maaabot nila ang puntiryang makapagbakuna ng siyam na milyong indibidwal sa idinaraos na three-day national vaccination drive sa bansa mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Mryna Cabotaje, na siya ring chairperson ng National Vaccination Operation Center (NVOC), bagamat may mga hamong kinaharap sa naturang aktibidad ay positibo silang maaabot ang kanilang target.

“We are positive, we are anticipating that we will be able to reach the nine million but we know there are challenges along the way,” pahayag pa ni Cabotaje.

Nasa mahigit limang milyong katao na ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa unang dalawang araw ng bakunahan.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Mataas na aniya ito dahil ang Pilipinas ay tipikal na nakakapag-administer lamang ng may isa hanggang 1.5 milyong COVID-19 shots kada araw.

"Ang running total natin ay 5,000,353," ani Cabotaje.

"We are still hopeful na ma-meet natin iyong 9 million target. But just in case we will be unable to reach it, this record is already high," aniya pa.

Mary Ann Santiago