Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 500 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 COVID-19) nitong Miyerkules, Disyembre 1.

Ayon sa DOH, mas mataas ito ng 75 kaso, kumpara sa 425 COVID-19 cases lamang na naitala noong Martes ng hapon.

Sa case bulletin #627 ng DOH, aabot na ngayon sa 2,833,038 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 0.5% na lamang o 15,327 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Sa mga active cases naman, 7,183 ang mild cases, 3,832 ang moderate cases, 2,489 ang severe cases, 1,067 ang kritikal at 756 ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit.

Mayroon din namang 951 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,768,999 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.7% ng total cases.

Naitala rin ng ahensya ang 167 pasyente na namatay sa sakit.

Nasa 48,712 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.72% ng kabuuang kaso ng sakit.

Mary Ann Santiago