Mukhang 'wafakels' lang ang magkaibigang sina Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano sa mga 'Marites' na nang-iintriga sa kanilang tunay na relasyon.

Sunod-sunod ang mga showbiz chika na naipukol kay Heaven nitong Nobyembre. Una na nga rito ang umano'y sweetness nila ni Kimpoy Feliciano, na talaga namang pinag-usapan ang birthday message nito sa kaniya, na sinagot naman ni Heaven na 'forever beh'.

Pagkatapos, natabunan kaagad ito nang sitahin naman ng mga netizen ang paggamit niya ng terminong 'rotation' sa halip na 'revolution', upang malikhaing ilarawan na 22 anyos na siya.

Sa halip na mapikon at magtatalak sa social media, maayos na inedit na lamang ni Heaven ang post at nagpasalamat sa science lessons na natanggap niya sa mga tao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/27/heaven-peralejo-thank-you-for-the-science-lesson-guys/">https://balita.net.ph/2021/11/27/heaven-peralejo-thank-you-for-the-science-lesson-guys/

At mukhang talagang keber lang si Heaven dito at ginawa na lamang katatawanan. Kahit si Kimpoy, nagawa pa siyang asarin sa comment section ng kaniyang Instagram post kung saan ni-wrap up niya ang kaniyang birthday celebration kasama ang mga kaibigan.

Screengrab mula sa IG/Heaven Peralejo

Screengrab mula sa IG/Heaven Peralejo

Screengrab mula sa IG/Heaven Peralejo

"Wrapping up my birthday month with a grateful heart and a smile that I can’t seem to wipe off my face," ayon sa caption ni Heaven, kalakip ang ilang mga litrato, kasama ang mga malalapit na kaibigan, kasama si Kimpoy.

"They say friends are the family you choose so thank you for choosing me to be a part of your lives too! You all sure know how to make a girl feel special."

"And a huge thank you @_illospartytrays for always celebrating my birthday with me, we all couldn’t stop eating!! Group workouts start now."

Sa comment section, turan ni Kimpoy: "Until your next rotation! LOVE YOU!!"

Tugon naman ni Heaven: "@kimpoyfeliciano shuta ka bes revolution na nga."

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"Bes na ngayon, noong nakaraan lang beh ang tawag. Awit!"

"Kahit i-deny mo si Kimpoy, love ka pa rin basta lagi n 'yo lang raw suot ang couple dior bracelet n 'yo."

"Paikutin mo bashers mo at ibalibag sa dagat para malunod. Sobra na mga binibitiwan nila salita sa 'yo parang hindi ka tao. I love you ganda."

"Ako conservative din, pro pansin ko sa younger generation ngayon, lalo na pag magbabarkada, ganyan po talaga sila mag- asaran. Mas malala pa nga diyan mga FB friends ko na mas bata po. Pero mabubuting bata sila at excellent sa school. Kaya pikit na lang po pag hindi maka relate. Hehehe."

Sa panayam ni Heaven kay Darla Sauler nitong Nobyembre, nilinaw ni Heaven na best friends sila ni Kimpoy. Normal lamang na tawagan para sa kanila ang 'beh' kagaya rin umano ng ibang mga magkakaibigan ngayon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/01/heaven-peralejo-nilinaw-kung-ano-ang-tunay-na-relasyon-nila-ni-kimpoy-feliciano/">https://balita.net.ph/2021/12/01/heaven-peralejo-nilinaw-kung-ano-ang-tunay-na-relasyon-nila-ni-kimpoy-feliciano/