Sinuspindimuna ng gobyerno ang pagpapatupad sa desisyon nito na payagan nang pumasok sa bansa ang mga bakunang dayuhan dahil na rin sa banta ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon saMalacañang nitong Lunes, Nobyembre 29.

Binanggit nipresidential spokesperson Karlo Alexei Nograles sa isang virtual briefing na itinigil muna nila ang implementasyon ng Resolution 150-A na dating inilabas ngInter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-EID).

Pinahihintulutan ng nasabing resolusyon na pumasok sa bansa ang mga bakunadong banyagang mamamayan ng non-visa-required countries na nanggagaling sa mga Green List countries at teritoryo simula sana sa Disyembre 1.

“We are temporarily suspending it po, abangan na lang natin. Kami rin sa IATF, we continue to consult with our health experts, we continue to actively monitor developments with regard to the Omicron variant,” anang opisyal.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Katulad aniya ng kanilang napagkasunduan sa IATF, ang mamamayan ng mga teritoryong nasa Red List ay pagbabawalang pumasok sa bansa kapag nagkaroon na ng local transmissionng variant.

“We will take it one step at a time, day to day monitoring of any and all developments happening around the world,” aniya pa.

Matatandaang tinukoy ngWorld Health Organization (WHO) na variant of concern ang Omicron na patuloy na pinupuksa ng iba't ibang bansa upang hindi na ito lumaganap.

Inilagay ng Pilipinas sa Red List ang mga bansang nakitaan ng variant upang hindi ito makapasok sa bansa.