Nagsagawa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng Capability Building Program (CBP) para sa legal literacy on land ownership sa San Pedro, Laguna nitong Biyernes, Nob, 26.
“Ang paghahandog ng mga kahalintulad na pagsasanay ay isinasagawa upang makapaghatid ng bagong kaalaman na makatutulong sa pagpapaunlad ng kapasidad at antas ng pamumuhay ng mga maralita," ani PCUP Chairperson and CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano.
Nasa 35 na representatives mula sa walong accredited organization ng PCUP ang dumalo sa CBP, ayon sa organisasyon.
Sinabi ng PCUP, na ang pangunahing layunin ng programa ay turuan ang mga dumalo tungkol sa klasipikasyon ng lupa, lupang pagmamay-ari ng gobyerno, pribadong lupa, at mga limitasyon bilang may-ari ng lupa.
“Kaugnay ng pagsasanay, magsasagawa rin ng konsultasyon ang PCUP sa bawat organisasyon upang talakayin ang kani-kanilang kalagayan sa lupang kanilang kinatitirika," dagdag pa nito.