Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na inirekomenda na ng Department of Health (DOH) ang pagba-ban o pagbabawal muna sa mga biyahero mula sa Hong Kong na makapasok sa Pilipinas, kasunod na rin nang pagkakadiskubre sa bagong coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa nabanggit na lugar.

Ipinahayag ni Duque na lumiham na sila kay Executive Secretary Salvador Medialdea upangmaaksyunanito kaagad upang matiyak na hindi makapapasok sa bansa ang naturang bagong COVID-19 variant.

“Yes. Ikinokonsidera na rin 'yan. Kaya nga sumulat na kami, nag-rekomenda kami kay Executive Secretary [Salvador Medialdea] na kung puwedeng maaksyunan ito agad para makasiguro tayo na hindi makapasok ito,” pahayag pa ni Duque, pahayag nito sa isang television interview nitong Sabado.

Naiulat nitong Sabado na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pansamantalang suspensyon ng inbound international flights mula sa South Africa, Botswana, at iba pang bansa na may lokal na kaso o nakitaan ng B.1.1.529 (Omicron) variant, ilang linggo na lamang bago ang panahon ng Kapaskuhan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aniya, kailangang kaagad itong tugunan, lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng kapaskuhan at inaasahang maraming Pinoy mula sa iba’t ibang bansa ang mag-uuwian sa Pilipinas.

Umaasa naman aniya siya na makakatanggap sila ng agarang tugon mula sa pamahalaan hinggil sa kanilang rekomendasyon.

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) bilang isang 'variant of concern' ang B.1.1.529 coronavirus variant na nadiskubre sa Hong Kong.

Mary Ann Santiago