Sinuspindi muna ng Philippine government ang mga biyahe mula sa mga bansang nakitaan ng panibagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay nang aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang temporary suspension ng mga flight mula sa South Africa, Botswana at iba pang bansa na may local cases ng B.1.1.1529 coronavirus variant, hanggang Disyembre 15.

Kinumpirma ni Cabinet Secretary atactingpresidential spokesperson Karlo Nograles ang nabanggit na hakbang ng gobyenoupang hindi makapasok sa bansa ang tinukoy na variant.

Inatasan na rin angBureau of Quarantine, sa pakikipagtulungan ng mga local government units, na hanapin ang mga biyahero mula sa mga nasabing bansa na dumating sa Pilipinas pitong araw bago ipatupad ang travel ban.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang mga binanggit na biyahero ay inoobligangsumailalim sa 14-day facility-based quarantine, bukod pa ang pagsasailalim sareverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa ikapitong araw o sa pagkatunton sa kanila.

Bukod dito, inaprubahan na rin ng IATF ang pansamantalang pagsuspindisa mga inbound flights mula saNamibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique, na kalapit lamang ng South Africa at Botswana.

Haharangin sa airport ang mga pasaherong nagmumula sa mga tinukoy na bansa sa nakaraang 14 araw bago ang kanilang pagdating sa Pilipinas.

PNA