Hindi magdadalawang-isip ang Philippine National Police (PNP) na isapubliko ang nilalaman ng kanilang imbestigasyon laban sa isang presidential candidate na umano'y gumagamit ng cocaine.
Gayunman, ipinaliwanag ni PNP chief General Dionardo Carlos nitong Biyernes, Nobyembre 26, na patuloy pa ang pangangalap ng impormasyon ng Drug Enforcement Group (DEG) kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa umanong cocaine user ang isang kandidato sa pagka-pangulo.
“Inaatas ko na sa PDEG ang pagsisiyasatt at pagkalap ng sapat na impormasyon at ebidensya sa tinutukoy ng ating Presidente at kung ano man ang naging resulta ay handa ang PNP na ito ay isapubliko.
Nitong nakaraang linggo, sumailalim sa drug test ang ilang tumatakbo sa pagka-pangulo kasunod ng alegasyon ng Pangulo na mayroong isang presidentiable ang gumagamit ng cocaine.
Kabilang sa mga sumailalim sa drug test sina Senator Panfilo Lacson, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, atManila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso who were tested before the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nagpasuri naman si Marcos sa isang pribadong ospital at isinumite na ang resulta nito sa PDEA headquarters. Sumalang na rin sa pagsusuri ang running mate niMarcos na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Pawang negatibo sa paggamit ng iligal na droga ang mga natukoy na kandidato.
“As more candidates have submitted themselves to voluntary drug tests, it should be understood that the PNP can only commence investigation when a positive result is yielded in drug testing,” pagdidiinpa ni Carlos.
Martin Sadongdong