Magiging kinatawan na ng Pilipinas ang F2 Logistics sa pagpalo ng Asian Women's Volleyball Championship sa bansa sa Mayo 15-22.

Ito ay nang hablutin ng Cargo Movers ang titulo sa katatapos na Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League nitong Huwebes ng gabi.

Pinataob ng Cargo Movers ang Chery Tiggo na nabigong mapanatili ang kanilang Philippine Volleyball League Open Conference championship run dahil sa pag-alis sa kanila ng star player na si Jaja Santiago na kasalukuyang naglalaro sa Japan V.League.

Kumpiyansa naman ang koponan na mailalabas pa nila ang kanilang husay sa pagsabak sa nasabing kompetisyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandaang unang itinakda ang torneo noong Agosto 29 hanggang Setyembre 5 ng kasalukuyang taon sa Pampanga at Subic. 

Gayunman, kinansela ito at muling itinakda nitong Oktubre dahil na rin sa pinahigpit na quarantine measures sa rehiyon hanggang sa pagpasyahan na ituloy na lamang ito sa Mayo sa susunod na taon.

Marivic Awitan