Magkaka-baby na ulit ang mag-asawang Slater Young at Kryz Uy, ngunit sa pagkakataong ito, 'mixed emotions' ang naramdaman ni Kryz.

Batay sa latest vlog ni Kryz nitong Nobyembre 24, hindi nila inaasahan ni Slater na mabubuntis siya dahil hindi nila planong magkaroon pa muna ng bagong baby sa pamilya, lalo't nasa pandemya pa ang bansa.

Sa kaniyang Instagram post, ipinakita naman ni Kryz ang kaniyang reaksyon nang makita na niya ang resulta ng pregnancy test.

“Guys, listen I did not expect. Wait… I'm shook because Slater and we aren’t really planning to have a second kid,” ani Kryz.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“I can’t find the right words. I’m laughing because Slater and I actually had a conversation earlier today and I said I think I’m not pregnant because you know I’m getting all of these period cramps and period pains.”

Kryz Uy (Screengrab mula sa IG)

Kryz Uy (Screengrab mula sa IG)

Kryz Uy (Screengrab mula sa IG)

Bagama't hindi inaasahan at medyo nakararamdam ng takot, masayang-masaya naman umano si Kryz sa panibayong biyayang ito sa kanila ng mister na si Slater.

“I did not expect this result at all. I'm very very very happy but at the same time completely shocked and scared—to be honest—because it's still pandemic."

“This is a completely different reaction to my first pregnancy discovery.”

Nitong Hunyo 2021 ay kaka-one year old lamang ng panganay nilang anak na si Scott Knoa.

"Getting emotional just looking at this. 12 months of Scottie boo is no joke. it was the most fulfilling, most love filled, and most adventurous 12 months of my life! Thank you for bringing light and love to everyone you touch, my dearest baby," ayon sa IG post ni Kryz noong Hunyo 3. Ipinakita niya ang mga litrato ng anak simula 1 month old hanggang 12 months old na ito.

Scott Knoa (Screengrab mula sa IG/Kryz Uy)

Si Slater Young ay ang grand winner ng 'Pinoy Big Brother: Unlimited noong 2012.

Siya ay isang negosyante, engineer, model, at television personality from Cebu. Pinasok na rin niya ang vlogging na ang kadalasang paksa ay tungkol sa mga bahay at household tips.