Naglunsad ng official campaign website si Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Huwebes, Nob. 25.

SCREENSHOT FROM TAYOSIISKO.COM’S WEBSITE PAGE/ MANILA BULLETIN

Inilunsad ni Domagoso ang "tayosiisko.com" sa isang virtual meet and greet session kasama ang kanyang mga supporters nitong Huwebes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang "tayosiisko.com" ay magiging online platform ni Domagoso na kung saan dito matatagpuan ang kanyang mga campaign materials at mga impormasyon tungkol sa kanyang presidential bid.

Pinasalamatan ni Domagoso ang kanyang mga supporters maging ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong at senatorial slate ng Aksyon Demokratiko.

“Maraming salamat lagi sa inyong paghahanda, mga ginagawa simultaneously sa buong Pilipinas. Tuloy-tuloy lang tayo. Lagi tayong diretso sa tao," aniya.

“Alam ko, most of you, kayo ang gumagastos. Pera ninyo, pinag-ipunan ninyo, pinaghirapan ninyo, ginagastos niyo sa amin. Oras ninyo, ginagastos ninyo sa amin. Effort ninyo… Someday, the only thing that I can do in return ay di ko kayo ipapahiya," dagdag pa niya.

Jaleen Ramos