Nanawagan si presidential candidate at Vice President Leni Robredo at running mate na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan sa pamahalaan na igiit ang "exclusive rights" nito sa Ayungin Shoal sa gitna ng kahilingan ng China na tanggalin na ng gobyerno ang BRP Sierra Madre sa pinag-aagawang teritoryo.

Nilinaw ni Robredo na hindi na hindi na dapat pagtalunan pa ang usapin dahil batay sa 2016 arbitral ruling, pinawalang-bisa na ang historic at legal claims ng China sa lugar. 

Gayunman, pinahalagahan nito ang naging hakbang ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na regional summit kung saan nagpahayag ito ng pagkadismaya sa agresibong hakbang ng Beijing laban sa mga Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).

“Klaro naman iyong mga naging statement ng administrasyon at iyon ay na-a-appreciate natin.Iyong atin lang na inaasahan, sana maging very consistent tayo para iyong boses talaga natin pinapakinggan. Kasi nakikita naman natin, eh—nakikita naman natin na kapag consistent tayo nagba-back off naman,” ayon kay Robredo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nitong Miyerkules, Nobyembre 24, hiniling ng China sa Pilipinas na tanggalin na angBRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na kaagad namang tinanggihan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at sinabing walang commitment sa panig ng Pilipinas upang alisin ang barko sa lugar.

Ikinatwiran pa ni Lorenzana, noong 1999 pa ipinuwesto ang barko sa lugar upang magsilbing garrison ng mga sundalo Pinoy.

Kaugnay nito, umapela rin sina Robredo at Pangilinan sa China na igalang ang arbitral ruling na pumapabor sa bansa.

“Kaya nga lagi nating inuulit-ulit na kung covered na siya ng ruling ng arbitral tribunal, hindi naman tayo kailangang makipag-debate. Klaro na bahagi ito ng ating EEZ at mayroon tayong sovereign rights over dito.Dapat iyong enjoyment ng resources doon ay exclusive para sa mga Pilipino," paliwanag ni Robredo.

Nangangamba naman si Pangilinan dahil malaking tulong sa bansa ang lugar para sa food security ng bansa.

“Kaya dapat talaga ipaglaban natin ito dahil atin ito. At ito ay makakatulong talaga sa pagkain at gutom na pinoprotektahan natin iyong ating exclusive economic zone at iyong fisheries, iyong mga isda diyan, at ibang resources, sa atin dapat iyan,"n sabi pa nito.

Raymund Antonio