Bagama't aminadong si dating Manila City mayor at ngayon ay congressman Lito Atienza ang bet ng showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis bilang kandidato sa pagka-pangalawang pangulo, napahanga naman umano siya sa karakter ni Davao City mayor Sara Duterte, na tumatakbo rin sa nasabing posisyon, matapos itong magback-out bilang re-electionist sa kaniyang lungsod at mag-substitute kay Lyle Uy para sa kandidato ng Lakas CMD sa pagka-VP, ilang araw bago ang Nobyembre 15.

Ayon sa Instagram post ni Lolit nitong Nobyembre 23, "Napahanga ako kay Sara Duterte, Salve ha. Ang ganda ng explanation niya doon sa kung bakit VP ang tinakbuhan niya at bakit si BBM ang pinili niya. Mapi-feel mo na hindi siya power hungry, at mahusay siyang team player. Sayang nga kasi si Cong. Lito Atienza na matagal ko ng tinutulungan ang choice ko for VP," aniya.

Screengrab mula sa IG/Lolit Solis

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"At talagang kahit love na love ko si Helen Sotto dahil napakabait, alam ko na maiintindihan ako ni Tito Sen. Pero kung sakali, type ko rin ang pagiging natural at to your face attitude ni Sara Duterte. Bongga sa akin iyong nanapak siya ng isang sheriff daw iyon kasi nga bihirang babae na may posisyon ang gumagawa nang ganoon."

Para sa kaniya, hindi raw 'papansin' si Inday Sara.

"Saka gusto ko iyon hindi siya ma-epal, na kahit na Presidente si Papa Digong hindi siya iyon lagi nasa news, nasa side lang siya, observing. Nakita mo tunay niyang character doon sa mga sinabi niya tungkol sa pagtakbong VP kahit ang dami ng nagsasabi na dapat President ang takbuhan niya."

"Bow ako sa kanyang sense of wisdom ha, sa kanyang humility lalo duon sa line na kahit sabihin puwede ka mag-lead, at nakita mo na mas may mahusay na leader kaysa sa iyo, ok na maging follower, ang galing."

Hindi man daw ngayong 2022, pero sa mga susunod na eleksyon ay baka iboto na niya si Sara, kung tatakbo ito sa mas mataas pang posisyon sa hinaharap.

"Hindi bale, reserve candidate ko siya, promise. Kakaiba siyang babae ha, astig! Bongga!"