Umaabot na lamang sa mahigit 17,000 ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 890 bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Nobyembre 24.

Mas mababa ito sa 1,153 kaso ng COVID-19 na naitala nitong Martes ng hapon.

Paliwanag ng ahensya, dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 2,828,660 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa naturang kabuuang bilang, 0.6% na lamang o 17,864 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga active cases naman, 53.4% ang mild cases, 21.39% ang moderate cases, 14.4% ang severe cases, 6.0% ang critical cases at 4.8% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit.

Mayroon din namang 1,710 mga pasyente ang nakarekober na sa karamdaman, kaya nasa 2,763,114 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.7% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 200 pasyente na namatay sa COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 47,682 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.69% ng total cases. 

Mary Ann Santiago