Isa o dalawa pang bagyo ang inaasahang mabuo sa Disyembre sa gitna ng banta ng La Niña sa bansa.

Ito ang pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa isinagawang climate outlook forum ng ahensya nitong Miyerkules, Nobyembre 24.

Paliwanag ni Climate Monitoring and Prediction Section chief Ana Liza Solis, ng PAGASA, inilabas ang pagtaya batay na rin k sa kanilangclimatological record mula 1948 hanggang 2010.

Kadalasan aniya ang mga bagyo nabubuo sa Disyembre ay nagla-landfall o tumatawid sa Visayas o Mindanao at ang iba naman ay lumilihis at hindi na tumatama sa kalupaan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunman, kahit aniya walang bagyo, makararanas pa rin ng malakas na pag-ulan na dulot ng mga weather systems na pinaiigtingngLa Niña at ito ay posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa iba't ibang lugar sa bansa.

Ellalyn De Vera-Ruiz