Halos umabot na sa ₱360 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa susunod na bola nito sa Martes, Nobyembre 23.

Nilinawni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, walang nakahula sa six-digit winning combination na 26-36-41-43-21-01 ng Ultra Lotto 6/58 na binola nitong Linggo ng gabi.

Dahil dito, walang nakapag-uwi ng katumbas nitong premyo na P347,383,868.80.

Inaasahan naman ni Garma na sa susunod na bola nito ngayong Martes ay madaragdagan pa ang naturang premyo at aabot na sa halos P360 milyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mary Ann Santiago