Iginiit ni Presidential candidate at Senator Manny Pacquiao nitong Linggo na dapat ding batikusin ng iba pang bansa ang China kaugnay ng pagbomba ng tubig ng mga tauhan ng Coast Guard nito sa dalawang sasakyang pandagat ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply sa mga sundalong Pinoy na naka-base sa Ayungin Shoal kamakailan.

Pagdidiin ng senador, ang naging aksyon ng Chinese Coast Guard na harangin ang dalawang Philippine vessels sa naturang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) ay maliwanag na paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“This incident is certainly a cause of deep concern. Ayungin shoal is part of our country’s exclusive economic zone and our continental shelf. This assault against our fishermen is a clear act of bullying and brinkmanship that must be condemned by all nations,” paliwanag ni Pacquiao.

Kasama rin aniya ang China sa pumirma sa UNCLOS.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“I urge China to immediately stop this aggressive and provocative actions and pursue cooperative undertakings that are beneficial to all,” ang dagdag pa na pahayag ng senador.

Hannah Torregoza