Mukhang kalmado lamang si 'real-life Darna' Angel Locsin kahit na pabiro siyang sinasabihan ng ilang mga netizen na 'Marites' din siya.

Ang Marites ay nagmula sa pahayag na 'Mare, ano ang latest?' na makabagong tawag sa mga 'tsismosa'.

Ibinuking kasi ni Queen of All Media Kris Aquino na kaya niya nalaman ang tungkol sa cryptic tweet ni senatorial aspirant at dating Quezon City mayor Herbert Bautista, ay dahil sa ipinadalang tweet sa kaniya ng aktres. Makikita ito mismo sa Instagram post ni Krissy na nagko-call out kay Bistek, sa comment section nito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/">https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"@therealangellocsin pwede ko bang i-reveal na ikaw yung nagpadala ng tweet sa ‘kin? And sinabi ko ang weird mo kasi nung nabasa ko ng 5 AM (because nag bathroom ako) at nag reply sa yo tapos sumagot ka dahil gising ka pa, sinagot mo ko na Ate, walang tatalo naman sa pagka weird nya, kaya matulog na tayo," ayon kay Kris.

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Malapit sa isa't isa sina Angel at Kris, bagama't wala pa silang proyektong pinagsamahan. Nangako pa nga si Angel na tutulong siya sa kasal ni Krissy.

Umani naman ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen ang ginawang pagbanggit ni Kris sa pangalan ni Angel. Isang netizen pa ang direktang nag-call out kay Kristeta.

"Did you just put @therealangellocsin on the spot by asking the question, pwede bang i-reveal na ikaw yung nagpadala ng tweet sa akin in a public post? Should you have privately messaged her first to ask? What if Angel wants that conversation just between her and you?"

Na sinagot naman ni Kris, "Sweetheart, we’re still humans na pwedeng magbiruan, we’re that close na pwede na kaming magbiruan and for and for sure walang mapipikon."

Sumegunda naman dito si Angel, "Can’t seem to mention you. Walang namang problema at ate ko 'yan."

Ngunit ayaw pa talagang paawat ng naturang netizen.

"@krisaquino apologies, it did not come as biruan for me. I personally ask my close friends if some things can be said or posted publicly before I do. Of course, close friends can and should always joke around without being offended. I guess it’s the way it was worded, you were asking Angel’s permission first."

May ilang mga netizen naman na 'nakisawsaw' na rin.

"Same thought about on the spot. But seems like okay lang naman kay ms. Angel base sa comment."

"Angel as Marites. Natawa naman ako doon."

"Dami mo namang reklamo, si Ms. Angel nga walang reklamo eh. Ikaw na lang kaya pumalit?"

"Can you please not push it any further, eh 'yun ngang mga protagonists sa drama mo, hindi naman apektado. It's all for them. Huwag nang mag-Marisol. Ms. Locsin and Ms. Aquino are obviously so happy with their lives and loves right now. I'm sure you are with yours, too. So live and let love."

Samantala, marami rin ang humihiling na sana raw ay magsama sa isang vlog sina Angel at Kris.