Wala umanong 'masamang tinapay' si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kaniyang ex-boyfriend na si Neil Salvacion, kahit na wala na sila ngayon at pinag-usapan ang audition video nito sa Pinoy Big Brother tungkol sa 'pang-iiwan'.

“Mas nakakalungkot pala na maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona. Ang coronavirus at korona sa patimpalak ay ilan lamang sa mga hamon sa aking buhay. It’s about time to share my story, how I conquered them, and how I will inspire other people. Bagong bahay, bagong buhay, bagong mga hamon sa buhay," wika ni Neil sa kaniyang audition video noong Setyembre.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/07/ex-bf-ni-rabiya-mateo-nag-audition-sa-pbb-may-pinatatamaan-nga-ba/">https://balita.net.ph/2021/09/07/ex-bf-ni-rabiya-mateo-nag-audition-sa-pbb-may-pinatatamaan-nga-ba/

Aniya, humingi naman umano ng dispensa ang ex sa kaniya dahil sa mga nangyari. Napabalita ang kanilang hiwalayan noong Hunyo na kinumpirma nila mismo sa isa't isa. Nag-unfollow din silang dalawa sa Instagram. Pitong taon ang kanilang naging relasyon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/06/05/break-na-bf-ni-rabiya-mateo-kinumpirmang-hiwalay-na-sila/">https://balita.net.ph/2021/06/05/break-na-bf-ni-rabiya-mateo-kinumpirmang-hiwalay-na-sila/

Ibinuking ng bagong Kapuso star na kaya sila naghiwalay ay dahil sa 'lost connection' nila sa isa't isa.

“Hindi basta-basta pinagdaanan namin. But now, I know he’s happy. I am happy. I’m happy kung saan kami ngayon,” aniya.

"It has nothing to do with the years that you are together, but it’s the kind of connection na you guys are on the same page all the time. Kasi it’s gonna be hard if you wanna do this, if you wanna take Path A, if you wanna take Path B, and you’re not meeting in the middle," pag-amin ni Rabiya.

"So, I guess, it’s also God’s gift if you’re gonna meet the same person who shares the same values, who understands your responsibility. Alam ko andaming opinion, and for them it was a tragic love story, but for us, it was a lesson learned.”

Kahit hindi na sila, hindi na maaalis sa buhay niya si Neil. Pitong taon din naman ang pinagsamahan nila.

“Kahit anong ibato ng tao for the both of us, alam ko po na he’s my best friend. Hindi rin madali yung seven years na pinagsamahan namin. If he needs me, I’m gonna be there as a friend.”

Samantala, magiging abala na si Rabiya para sa kaniyang unang proyekto bilang bagong Kapuso. Siya ang magiging leading lady ni Senador Bong Revilla para sa book 2 ng 'Agimat ng Agila' sa GMA Network.