Hiniling ng mga abogado ng mga pamilya ng napataysa madugong "war on drugs" ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na ituloy ang imbestigasyon nito sa kampanya laban sa illegal drugs.

Ganito rin ang saloobin ng Makabayan bloc at ng mga kasapi ng oposisyon kung saan nais nilang ipagpatuloy ang pagsisiyasat at panagutin ang nasa likod ng libu-libong pagkamatay ng pinaghihinalaang drug users.

Kamakailan, ananunsiyo ni ICC prosecutor Karim Khan na pansamatala nilang sinuspinde ang pagsisiyasat sa madugong “drug war” kasunod ng kahilingan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Ambassador to the Netherlands, Eduardo Malaya, na nagsabing nagsasagawa na ng imbestigasyon ang gobyerno sa usapin.

Para sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na kumakatawan sa mga pamilya ng biktima ng madugong “drug war”, ang ginagawang lokal na remedyo ay “utterly ineffective” as drug-related killings, imprisonment of poor Filipinos on “questionable” charges, and human rights violations supposedly continue."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“We ask the ICC not to allow itself to be swayed by the claims now being made by the Duterte administration. These are so contrary to what is happening on the ground and should never be taken at face value," pahayag ng National Union of People's Lawyers (NUPL) na kumakatawan sa mga pamilyang biktima ng operasyon ng pulisya laban sa illegal drugs.

Bert de Guzman