Good news sa mga motorista.

Napipintong magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng malaking bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis,posibleng  sa Martes, Nobyembre 23, ay bababa ng P1.30 hanggang P1.40 ang presyo ng kada litro ng kerosene, P1.20-P1.30 ang presyo ng diesel at P0.85-P1.10 sa presyo naman ng gasolina. 

Ang nagbabadyang price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang  merkado.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Sakaling ipatupad ito ang ikatlong sunod na oil ptice rollback ng mga kumpanya ng langis.

Noong Nobyembre 16 huling inirollback ng P0.90 sa presyo ng gasolina at P0.10 sa presyo ng kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng diesel.

Bella Gamotea