Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Quezon City at Pasay City ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi nitong Biyernes, Nobyembre 19 sisimulan ang pagsasaayos ng EDSA Quezon City magmula sa Boni Serrano Flyover hanggang P. Tuazon Flyover Northbound (2nd lane buhat sa  sidewalk); at EDSA Tramo Flyover, Pasay City.

Bubuksan  ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Nobyembre 22 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bella Gamotea