Sa Instagram update ng pageant vlogger na si Adam Genato, ibinahagi nito ang mga larawan ng buong team ng "question and answer" training ng King of Talk kay reigning Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Ang King of Talk na si Boy Abunda o mas kilala nilang “Tito Boy” ay naging Q&A trainer ng mga dating MUP titleholders kabilang na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa larawang ibinahagi ni Adam, makikitang kasama sa panel na babato ng mga katanungan kay Beatrice sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, ABS-CBN reporter Dyan Castillejo, pageant vlogger Adam Genator bukod sa iba pa.

Mapapanuod ang Q&A episode sa Youtube Channel ni Boy Abunda sa susunod na linggo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Please don’t miss the special Q&A Training episode of Boy Abunda with our Queen B airing next week on Tito Boy's YouTube Channel. As per pageant blogger Adam Genato, it’s really insightful.. or in Tito Boy Abunda’s description, ‘riveting episode,’” sabi ni Adam.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Beatrice sa batikang talk show host.

“What an awesome way to end a productive day. Thank you so much Tito Boy for the crash course,” caption ni Bea sa kanyang Instagram story.

Nitong Miyerkules, Nob. 17, naganap ang send off press conference para kay Beatrice na nakatakdang lumipad ng Israel para irepresenta ang Pilipinas sa Miss Universe 2021 competition.

Si Beatrice ang kauna-unahang openly bisexual na kandidata mula sa Pilipinas na sasabak sa prestihiyusong international pageant.