Itinalaga si Retired Philippine Coast Guard (PCG) Commandment George V. Ursabia Jr. bllang bagong undersecretary para sa maritime ng Department of Transportation (DOTr).

Ang pagtatalaga kay Ursabia ay inisyu ni Pangulong Duterte noong Nobyembre 4, halos dalawang buwan matapos ang pagreretiro sa kanyang puwesto bilang PCG chief noong Setyembre 8.

Sa kanyang pamumuno, nagawa ni Ursabia na palakasin ang presensya ng PCG sa West Philippine Sea (WPS) at sa pinakatimog na bahagi ng bansa sa pamamagitan ng Task Force "Pagsasanay."

Samantala, tiwala naman si DOTr Secretary Arthur Tugade sa "wealth of knowledge at vast experience" ni Ursabia upang mapaunlad ang maritime industry ng bansa.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

“I am confident that the skills and experience in the maritime sector of my good friend, Usec. Ursabia, which were honed and tested as a long-time commandant of the Philippine Coast Guard, will prove most valuable to the DOTr,” ayon kay Tugade.

“There is no doubt that Usec. Ursabia can steer the maritime sector to great lengths given his character, leadership style and experience,” dagdag pa niya