'Tiniyak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra nitong Biyernes na hindi bibigyan ng gobyerno ng special treatment ang spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa kasong sex trafficking sa Estados Unidos.

“The DOJ, through the IACAT (Inter-Agency Council Against Trafficking), will perform its mandate under the law regardless of the persons involved.We have an existing extradition treaty with the US. We also have an existing agreement on mutual legal assistance in criminal matters with that country, paglalahad ni Guevarra na siya ring chairperson ng IACA.

Inilabas ni Guevarra ang paglilinaw matapos kasuhan ng Department of Justice ng U.S. si Quiboloy dahil sa pamimilit umano sa mga dalaga at iba pang babae na makipagtalik sa kanya matapos i-recruit ang mga ito sa Pilipinas upang magtrabaho sa kanyang simbahangKingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name (KOJC) sa Los Angeles.

Sa rekord ng kaso, ang insidente ay naganap simula 2002 hanggang 2018.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binigyang-diin din ni Guevarra na sa kabila ng paghahain ng demanda laban kay Quiboloy, wala pa siyang nakikitang rason upang tugisin ito ng mga awtoridad.

“I have no information indicating that pastor Quiboloy will not be found in his usual residence or place of work. We have not received any communication from the American government regarding Pastor Quiboloy’s case in the US,” dugtong na pahayag nito.

Nilinaw niya na walang nakabinbing kasong kriminal si Quiboloy sa mga hukuman sa bansa na kahalintulad ng isinampa sa kanya.

Gayunman, noong 2020 ay isang babae ang naghain ng kasongrape, child abuse, ill treatment, trafficking in persons through forced labor, at trafficking in persons through sexual abuse sa Davao City.

Naibasura na aniya ngDavao City Prosecutor’s Office ang kaso, ngunit, nakaapela pa rin ito sa DOJ.

Jeffrey Damicog