Sa ekslusibong ulat ng News5, ayon sa kumpirmasyon ng TV anchor na si Cheryl Cosim, magkarelasyon na nga ang mga aktor na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

Kumpirmadong magdyowa na ang “Marry Me, Marry You” co-stars matapos maging usap-usapan kamakailan ang sweet photos ng dalawa habang naglilibot sa New York City sa Amerika.

Sa mga larawang ibinahagi ni Cherry Pie sa Instagram higit isang linggo na ang nakalilipas, kasama niya si Edu sa naging reunion ng “Marry Me, Marry You” stars at iba pang Kapamilya stars sa Amerika.

Nitong nakaraang linggo, ilang blind items din ang lumabas tungkol sa dalawang batikang aktor na ngayo’y magkarelasyon na.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'