Para sa mga anak, ang kani-kanilang mga ina ang 'pinakamagandang nanay' sa buong mundo, kahit ano pa ang kulay nito, tangkad, o pigura.

Kaya naman, game na kumasa sa 'Show me your beautiful mom' challenge sa Instagram ang presidential daughter na si Veronica Duterte. Ipinakita niya ang 'younger self' ng kaniyang inang si Cielito o Honeylet Avanceña, ang longtime partner at tumatayong First Lady ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naging magkasintahan sila ng pangulo simula noong 1996 hanggang kasalukuyan.

Ipinakita niya sa kaniyang 'My Story' ang lumang litrato ni Honeylet na talaga namang kitang-kita ang poise at kaseksihan, noong dalaga pa ito, habang nakasuot ng bikini. Nauna na niya itong ipinakita sa kaniyang Facebook account noong 2019.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Honeylet Avanceña (Larawan mula sa IG/FB/Veronica Duterte

Ang litratong ito ay kuha pa noong dalaga pa si Honeylet. Bukod sa pagiging isang nurse at businesswoman, si Honeylet ay isang certified 'beuconera' o talagang suki na rin ng mga beauty contests.

Kinoronahan siya bilang 'Miss Davao Doctors College' noong 1988, at siya rin ay naging first runner-up sa Mutya ng Dabaw beauty contest sa parehas na taon.

Sa pagdaan ng panahon, mababakas pa rin ang kagandahan ni Honeylet, bukod pa sa mabini nitong pananalita at pagkilos, mga katangian na marahil ay nakapagpabihag sa puso ni Pangulong Duterte. Siya ang kasa-kasama ng pangulo sa tuwing sasalubungin ang mga kagalang-galang na delegado, kapag may mga kumperensyang ginaganap sa bansa.