Naaresto ng pulisya ang anim katao, kabilang ang apat na babae, matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanilang puwesto ng gawaan ng mga pekeng vaccination card sa Maynila nitong Miyerkules.

Kabilang sa mga inaresto sinaGeraldineVaregas, 51, taga-1021 Dagupan Street, Tondo, Maynila; Camille Cressida Halili, 34, taga-809 Batanes Street, Sampaloc, Maynila; Janeth Viernes, 42, taga-35 D. Aquino Street, 4thAvenue, Caloocan City; Nikos Molina, 18, taga-Pasilio 1, Central Market, Maynila; Ronaldo Benitez, 31, taga-No. 2 Interior Street, Barangay 310, Sta. Cruz Maynila at Gengen Subito, 34, at taga-850Oroquieta, Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit-Northern Police District (DSOU-NPD),nag-ugat ang pagkadakipmatapos na makabili ng pekeng vaccination card ang kanilang impormate kay Molina sa Caloocan City.

Dahil dito, ikinasa ang buy-bust operation kung saan bibili ng halagang₱2,300 vaccination card ang ahente ng DSOU, dakong6:30 ng gabi.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Dinala ni Molina ang poseur buyer sa pagawaan nila ng mga pekeng vaccination card sa Recto Avenue kung saan inaresto ang mga ito.

Nasamsam sa grupo ang mga pekeng vaccination cards ng Valenzuela at Caloocan, buy-bust money at mga printing machine.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa umano'y pamemeke ng vaccination card.

Orly Barcala