Ibinasura ng Sandiganbayan ang petisyon ni datingArmed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller Lt. Gen. Jacinto Ligot at ng mga miyembro ng pamilya nito na irekonsidera ang kautusan ng hukuman na bawiin ang₱102 milyong ari-ariang nakuha umano ng mga ito sa iligal na paraan.

Binanggit ng anti-graft court sa kanilang resolusyon nitong Nobyembre 15, walang merito ang petisyon ng pamilya ni Ligot at rehash na o ginamit muli ang mga argumentong dati nilangnaiharap sa korte.

Ang nasabing mosyon ay isinampa ni Ligot, asawang si Erlinda, at mga anak na sinaPaolo, Riza, at Miguel.

Matatandaang iniutos ng Sandiganbayan kamakailan na i-forfeit ang mga ari-arian ng pamilya ng dating heneral matapos matuklasang ang salaping ginamit na pambili sa mga ito ay galing iligal na paraan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Accordingly, the following properties, amounting to₱102,126,353.46, are hereby declared to have been unlawfully acquired and hence forfeited in favor of the State,” ayon sa ruling ng hukuman.

Ginamit din ng hukuman ang ruling ng Korte Suprema sa pagbasura nila sa mosyon ni Ligot, na nagsasabing kapag muling ginamit ang iniharap na mosyon ay dapat na maibasura ito.

Kabilang sa mga ari-arian na pinababawi ng gobyerno ang maisan ng pamilya saManolo Fortrich,Bukidnon, Patpat, Malaybay, at Kalasungay, Malaybayna nagkakahalaga ng₱180,000,₱58,320, at₱84,035.60, ayon sa pagkakasunod; lupain sa Tanay, Rizal (₱2 milyon); Essensa Condominium sa Taguig City (₱22,954,545.45); Parkview Condominium sa Bel-Air Makati (₱2,280,955.14); dalawang bahay sa United States (₱17,899,377.60 at₱33,680,510); Armed Forces and Police Savings and Loan Association Inc. deposits and investments (₱3,800,509.41 at₱5,415,021.24); paid-up shares sa Parmil Farms Inc. (₱250,000 bawat isa para kina Jacinto at Erlinda) at₱37,500 kada isa kina Paulo at Riza.

Pinababawi rin ang kanilang guardhouse, quarantine house, at bodega sa Imbayao, Malaybalay (₱568,350_; shower building and water tank sa Malaybalay (₱19,368); poultry building, rest house, at covered terrace (₱4,531,578); Lot Nos. 2651, 2652, 2653 at 2654 sa Imbayao (₱195,000); Toyota Hilux 2001 (₱1,078,000); building sa Malaybalay (₱6,715,783.02); at mga makinarya Malaybalay (₱80,000).

Jel Santos