Isang babae na nakalista bilang regional drug priority suspect kasama ang dalawa pa niyang kasamahan ang arestado ng pulisya kasunod ng ikinasahang buy-bust operation sa Quezon City nitong Martes ng gabi, Nob. 16.

Kinilala ni Police Lt. Col. Joewie Lucas, Quezon City Police District (QCPD) Station 5 (PS 5) commander ang mga suspek na sina Melanie David, 36 mula sa Balintawak Quezon City na nakalista bilang Regional Drug Priority Traget: John Carlo Yturralde, 22, residente ng Bagong Barrio Caloocan City; at Belen Marie Ayaquil, 21 mula sa Sampaloc, Maynila.

Batay a tip ng isang impormante, isinagawa ng PS 5 Drug Enforcement Unit (SDEU) ang entrapment operation sa Winston St. corner Commonwelath Ave., Brgy. Greater Fairview, nitong Martes, Nob. 16 bandang 10:10 ng gabi.

Nakuha sa mga suspek ang mahigit 100 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P680,000, isang cellphone at isang motorsiklo.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kakasuhan si David at ang kanyang grupo ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Aaron Homer Dioquino