Balik-Pilipinas na nga ang sikat na impersonator-TV host na si Jervi Li o mas kilala bilang si 'KaladKaren Davila', matapos ang paninirahan sa London, kasama ang kaniyang British fiance na si Luke Wrightson.

Batay sa kaniyang tweet nitong Nobyembre 15, mukhang nasa Maynila na nga si KaladKaren at nanunuluyan sa isang hotel para sa kaniyang quarantine. Tamang-tama naman na ipinag-utos na rin sa National Capital Region na voluntary na lamang ang pagsusuot ng face shield.

Pero pabiro pa rin niyang banat, ang Pilipinas raw ay 'land of the face shield'.

"OMGGGG MANILA!!! I’m BACKla in the land of face shield! Charot!!! See you soon mga seswang!"

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter/KaladKaren Davila

Image
Screengrab mula sa Twitter/KaladKaren Davila

Huling napanood si KaladKaren bilang isa sa mga jury sa 'I Can See Your Voice' sa ABS-CBN noong 2020.

Noong Setyembre 9, masayang ibinalita ni KaladKaren na engaged na sila ng kaniyang longtime partner na si Luke, matapos ang 8 taon nilang relasyon. Ibinahagi rin niya ito sa kaniyang YouTube channel.

"OMG!!! After 8 years, we are ENGAGED! HUHUHUHU Na-add to cart ko na… in my life! #Engaged #LoveWins #TransLOVEmatters."

Luke Wrightson at Jervi Li (Screengrab mula sa Twitter/KaladKaren Davila)

Sumikat si KaladKaren dahil sa kaniyang pag-iimpersonate sa batikang news anchor na si Karen Davila.